Monday, July 23, 2012

ang bestfriend at ang minamahal

Ilang taon na rin ang nakalipas, kung kelan lugmok sa pag-ibig ang aking matalik na kaibigan, 'di ko napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya ang umusbong na pagmamahal na 'di namin inakalang tutubo. Iyon din ang araw na isinuko ko ang pagkakaibigan namin hindi dahil sa gusto kong lumipas na ang nararamdaman ko para sa kanya kundi dahil di ko na kayang makita s'yang naghihirap. Sa tuwing tumutulo luha n'ya ay nalulusaw ang buo kong pagkatao. Wala akong magawa kundi panuorin s'yang naghihirap, sirain ang sariling n'ya at halos mabaliw dahil sa isang lalake.

Pero nagmakaawa s'yang 'wag ko s'yang iwanan. Pumayag ako kahit na alam kong dodoble ang sakit na mararamdaman ko. Di ako nagkamali. Habang umaahon s'ya patuloy ang pangungulila ko sa kanya. Di naman s'ya nawala at mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Ngunit sa kabila nito ay ang pait na unti-unting dumudurog sa puso ko dahil alam nitong walang patutunguhan ang kung anumang namuong pagmamahal.

Oras, araw, buwan ang lumipas. Di ko akalain na lilipas din 'yun. Gumaan lahat. Naging kumportable ako sa kanya hanggang sa dumating ang lalakeng nagbago ng lahat...

Nakilala ko s'ya sa pamamagitan ng isa ko ding kaibigan. Sa di ko mawaring dahilan ay parang nakakita ako ng anghel na pinadala mula sa langit. Doon ko napagtanto na s'ya ang katuparan ng matagal ko nang hiling. Ang taong magpapaalala sa akin na ang mundo ay puno ng kabutihan. Noong sandaling nasilayan ko s'ya ay mga sandaling di ko na malilimutan kailanman. Inakala ko na gusto ko lang s'ya pero mas malalim pa pala ang lahat.

Oo, niligawan ko s'ya... Naging maganda pakikitungo n'ya sa akin... Binigyan n'ya ko ng pagkakataong maipamalas ang pagmamahal ko pero sumuko ulit ako. Sa pagkakataong ito ay dahil mahal ko s'ya at ayoko s'yang masaktan. Akala ko noon magiging maganda na lahat dahil sa pagmamahal ko pero ang nag-iisang bagay na dahilan kung bakit takot akong magmahal ay muling nanumbalik. Bawal akong magmahal ng hindi ko katulad, ng malinis na tulad n'ya.

'Di kalaunan ay naipakilala ko s'ya sa bestfriend ko... Mahal ko ang bestfriend ko higit pa sa kung sinumang kaibigan n'ya. Mahal ko s'ya bilang kapatid. At ngayon nais kong mahalin din n'ya ang taong minamahal ko dahil nakita ko sa kanilang dalawa ang posibilidad ng kaligayahan na hindi ako ang makakapagbigay... Magiging masaya ako para sa kanila sa kabila ng pighating hatid nito...

Thursday, July 19, 2012

fb, ads, business

Going public is like penetrating the world of corporate giants. But Facebook isn't just a giant. It's a trend, a social media in itself, a realization of the dream that the world is so small.

Few years ago, the social networking site was just a simple, blue interface where you can read lots of interesting things about your friends. There were pictures, updates and links. As time went by, it evolved into a more complex tool where majority were able to adapt to. Unfortunately some couldn't keep up. Along with these changes were add-ons, new look and the coming-of-age ads!

Facebook explained, through a certain link, that it needs funding through sponsorship by certain companies. Hence the ads block in the site. Initially, there was only one ad per user. The ad was somewhat "chosen" for you based on certain parameters like the things that you "like." This is where they generate income, thereby keeping the employees compensated and paid the rent.

Things turn out bland when the company went public several weeks ago (May 18, 2012). I just thought they wouldn't change so much but, again, I was wrong. I noticed that there are at least five ads on the left side of the site when I logged on before I wrote this. The News Feeds are almost that of the products or apps.

Facebook really became boring with the IPO. I won't be surprised if it'll suffer the same fate its predecessors succumbed to.

Wednesday, July 18, 2012

To Forgive and To Give Up









It was more than two years ago...
Everything turned dark
For every heartbeat is a sound of clock ticking.
It's killing me inside
Like the sickening air that consumes the life.


I would never have to face death at this early
Not because of you.
But I forgive you
For it's the right thing to do.


Now, I have to give up
The things I used to have.
This is the price of forgiving the both of us.

Pasakalye ng Puso (bilang 2)

S'ya: Ansakit naman makapagsabi ng totoo...
Ako: So, kapag mahal mo ang tao kelangan magaganda lang sinasabi? Di ba pwedeng sabihin lahat ng totoo kasi nakikilala mo na sya at mas lalo n'yang naa-appreciate ang buong pagkatao n'ya?
S'ya: Sabe mo eh!
Ako: Talaga!

Tuesday, July 17, 2012

Siya na (ata) Ang Huli






Dali-dali akong bumyahe papunta sa isang kapehan kung saan s'ya naghihintay sa 'kin. Hindi ako sanay na nauuna s'ya kapag nagkikita kami kasi ako ang laging excited sa mga lakad namin. 




'Di ko kasi namalayan ang oras habang nakipagkwentuhan ako sa isa sa mga kaibigan ko noong hayskul. Halos isang taon na rin kasi kaming hindi nagkita kaya andaming kwento kahit na hindi naman 'yun tungkol sa sarili naming buhay. Pero natuwa ako kasi halos wala s'yang pinagbago. Makwento pa din.




Nakababa na 'ko ng taxi nang mabasa ko ang text n'ya. Napabilis tuloy ang mga hakbang ko papunta sa tagpuan namin. 'Di ko alam kung ano ba talaga pag-uusapan namin kasi unang beses ngayon na inaya n'ya ko. Gusto kong isipin na magtatapat na s'ya ng nararamdaman n'ya sa 'kin. Ito ang isa sa mga pinaka-imposibleng hiling ko sa buhay. Ito na ata ang magiging huling hiling ko sa buhay... Na mahalin din n'ya 'ko tulad ng pagmamahal ko sa kanya.




Habang papalapit ako sa kapehang 'yun andaming naglaro sa isip ko. Bigla ko ulit naalala ang maamo n'yang mukha, 'yung mga labi n'ya na parang masarap halikan at ang mga wikang namumutawi sa bibig n'ya. Naalala kong muli yung una ko s'yang nakita. Napangiti na lang ako sa tuwa...




Hinanap ng mga mata ko ang isang larawan ng lalakeng nagpabago ng pananaw ko sa pag-ibig. Nagpalingat-lingat ako na animo'y naghahanap ng nawawalang anak... At napako na nga ang tingin ko sa nakatalikod na lalakeng iyon. Nang masilayan ko ang mukha n'ya para bang may kung anong liwanag ang namuo sa mga mata ko... Hindi ko pa rin maitanggi, ito ang taong mahal ko.




Nagbitiw s'ya ng ngiting halos ikatunaw ko. Mapupungay pa din ang mga nangungusap n'yang mata.




Ilang sandali pa'y narinig ko ulit ang musika sa mga katagang binigyang buhay ng kanyang boses. Napangiti na lang ako at ninamnam ang mga sandaling kasama ko s'ya.




Oo, alam n'ya ang nararamdaman ko para sa kanya pero alam ko rin na bingi pa din ang kanyang puso sa bawat tibok ng puso ko. Alam n'yang hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit mas pinipili n'yang talikdan ito dahil may kung ano pa ring humihila sa kanya palayo sa bawat taong nagmamahal sa kanya. Ako naman ay pilit na pinapasinungalingan ang kung anumang bumabagabag sa kanya.




Sa kanyang pananaw ang relasyon ay isang kumplikadong bagay na hindi n'ya kayang panghawakan. Sabi n'ya hindi pa s'ya handa. Pero nakikita ko sa mga mata n'ya ang pait ng kahapon na paulit-ulit na nagpapaalala sa mga sakit na naranasan n'ya dahil minsan umibig din s'ya.




Hindi ko naman talaga s'ya masisisi... Marahil ang nakaraang iyon ang tuluyang nagwasak sa bawat piraso ng puso n'ya... Marahil hindi na n'ya kaya pang magmahal tulad ng pagmamahal n'ya sa nakalipas.




Ngunit dahil s'ya ang ang nagpatibok muli ng puso ko hahayaan ko s'ya... Tulad ng pagpakawala ko sa mga nakalipas, hahayaan ko s'yang lumipad sa kung saan man n'ya gustuhin...




Pero sa huling pagkakataon gusto ko s'yang makasama...

Pasakalye ng Puso






Ako: 'Wag mo hayaan na lamunin ng lungkot 'yang puso mo kasi hindi na titibok 'yan 'pag nangyari yun. Ginawa ang puso para magmahal kahit walang kapalit.




S'ya: Ganun?




Ako: Oo naman! Tingnan mo 'ko, kahit 'di mo mahal oks lang kasi pinagtatrabaho ko puso ko. Hinahayaan ko 'tong tumibok... para sa 'yo...

Life As I Know It





Shortly after the revelation, it was hell. As if there was an eclipse that changed the hue of the day into a night-like light. The air that surrounded me was so dry that made it hard to breathe... Then suddenly, the rain of tears fell. It moistened my dry face. Every drop of it was a reminder of the mistakes I made.


I was throbbing. The air escaped my lungs and yet I managed to light a cigarette. Then, the smoke soothed my heavy heart... I died... I was born again... But eventually the life will be taken back...

I Stand By The Sand

The stars were twinkling in the dark night.
I can see some clouds passing by as if teasing the moon.
Down there are the home lights that lit the city like the sparkling dress of the show girls I saw in the television.
But the mountain above the city boasts its might saying it's dominant.

Now, I can see myself standing by the sea amid the vast sands.
I can feel the grains of sand underneath my feet.
Then, the cold water touched my toes and brought coldness upon my body.
Will this be the last evening? I ask...

Isang Taon at Kalahati ang Nakalipas

Cliche: "Parang kelan lang."

Labing apat na buwan na ang nakalipas nang huling nagsulat ako sa blog na 'to. Nakakatuwa... Kasi sa kabila ng mahabang panahon na 'yun eh sariwa pa rin sa 'kin ang mga naisulat ko dito.

Andami na rin palang nangyari. Andami ko nang nakilalang tao. Yung iba mas nakilala ko. Meron namang hindi ko na kilala kasi parang may nagbago... Pati nga sarili ko di ko na makilala kung ikukumpara sa dating ako. Sa loob ng labing apat na buwan, maiksi man kung tutuusin, madaming nangyari na nagpabago sa inog ng mundo.

Anu-ano pa kaya ang nagbago? Tingin mo?