Friday, May 8, 2009

Bakit nakikita pa kita?

Fresh na fresh ako galing ng bahay. Sakay sa taxi papuntang office. Sakay ulit pero sa elevator naman ngayon. Bumukas ang pinto ng elevator. Taas noo akong lumabas nang bigla kong nakita ang maamo ngunit malungkot mong mukha. Bakit kaya?

Di ko alam kung bakit ganoon pa rin nararamdaman ko e matagal na tayong break. Siguro nalulungkot lang talaga ako kasi di ko man lang naparamdam yung pagmamahal sa paraang gusto mo. Ni hindi ko man lang nalaman kung paano ka nga ba mahalin.

Pero parang malungkot ka ngayon. Gusto ko tuloy pawiin yang lungkot sa mukha mo. Hay (sigh)...

Sige lang, makakahanap din tayo ng papawi sa lungkot natin. Di na kasi ako umaasa na tayo pa rin ang magsasama. Napagod ka na kasi sa akin... Ako rin napagod na... Pero hindi sa yo kundi sa sarili ko.