Hanggang ngayon di ko pa rin mawari kung bakit kailangang ihiwalay ang mga bagay-bagay kung pwede namang ipagsama-sama. Marahil dahil ito ang nararapat sa kabila ng katotohanang ginagawan ng paraan ng kalikasan na muli itong at ipagsama-sama at guluhin. Siguro dapat nang sundin ang kalikasan para maging madali na ang lahat.
Ito ang naiisip ko habang nakatulala hawak ang may sinding yosi at panay buga ng nakamamatay na usok na nagpapakalma sa ulo ko. Madami akong kaibigang katulad ko (third-sex kung tawagin) na nagsasabi at naniniwalang iba kami (tayo) sa mga straight. Tama naman kasi nga iba ang gusto namin (natin) sa dalawang sekswalidad. Pero kapag tinatanong ko sila kung kailangan ba iba din sa nakagawiang relasyon ang relasyon ng katulad namin (natin), walang kongkretong sagot.
Narinig ko minsan ang isang babaeng nag-comment, "Bakit kasi ang mga bading na yan eh kailangan pang tratuhin na iba? At bakit kailangan nilang i-separate ang sarili nila sa heterosexual society? Eh di ba pantay-pantay naman lahat?" Eto na ata ang pinakamagandang opinyon at tanong na narinig ko sa isang straight na babae. Bakit nga naman di ba? Maraming dahilan o kaya maraming dinadahilan...
No comments:
Post a Comment