Tuesday, July 17, 2012

Siya na (ata) Ang Huli






Dali-dali akong bumyahe papunta sa isang kapehan kung saan s'ya naghihintay sa 'kin. Hindi ako sanay na nauuna s'ya kapag nagkikita kami kasi ako ang laging excited sa mga lakad namin. 




'Di ko kasi namalayan ang oras habang nakipagkwentuhan ako sa isa sa mga kaibigan ko noong hayskul. Halos isang taon na rin kasi kaming hindi nagkita kaya andaming kwento kahit na hindi naman 'yun tungkol sa sarili naming buhay. Pero natuwa ako kasi halos wala s'yang pinagbago. Makwento pa din.




Nakababa na 'ko ng taxi nang mabasa ko ang text n'ya. Napabilis tuloy ang mga hakbang ko papunta sa tagpuan namin. 'Di ko alam kung ano ba talaga pag-uusapan namin kasi unang beses ngayon na inaya n'ya ko. Gusto kong isipin na magtatapat na s'ya ng nararamdaman n'ya sa 'kin. Ito ang isa sa mga pinaka-imposibleng hiling ko sa buhay. Ito na ata ang magiging huling hiling ko sa buhay... Na mahalin din n'ya 'ko tulad ng pagmamahal ko sa kanya.




Habang papalapit ako sa kapehang 'yun andaming naglaro sa isip ko. Bigla ko ulit naalala ang maamo n'yang mukha, 'yung mga labi n'ya na parang masarap halikan at ang mga wikang namumutawi sa bibig n'ya. Naalala kong muli yung una ko s'yang nakita. Napangiti na lang ako sa tuwa...




Hinanap ng mga mata ko ang isang larawan ng lalakeng nagpabago ng pananaw ko sa pag-ibig. Nagpalingat-lingat ako na animo'y naghahanap ng nawawalang anak... At napako na nga ang tingin ko sa nakatalikod na lalakeng iyon. Nang masilayan ko ang mukha n'ya para bang may kung anong liwanag ang namuo sa mga mata ko... Hindi ko pa rin maitanggi, ito ang taong mahal ko.




Nagbitiw s'ya ng ngiting halos ikatunaw ko. Mapupungay pa din ang mga nangungusap n'yang mata.




Ilang sandali pa'y narinig ko ulit ang musika sa mga katagang binigyang buhay ng kanyang boses. Napangiti na lang ako at ninamnam ang mga sandaling kasama ko s'ya.




Oo, alam n'ya ang nararamdaman ko para sa kanya pero alam ko rin na bingi pa din ang kanyang puso sa bawat tibok ng puso ko. Alam n'yang hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit mas pinipili n'yang talikdan ito dahil may kung ano pa ring humihila sa kanya palayo sa bawat taong nagmamahal sa kanya. Ako naman ay pilit na pinapasinungalingan ang kung anumang bumabagabag sa kanya.




Sa kanyang pananaw ang relasyon ay isang kumplikadong bagay na hindi n'ya kayang panghawakan. Sabi n'ya hindi pa s'ya handa. Pero nakikita ko sa mga mata n'ya ang pait ng kahapon na paulit-ulit na nagpapaalala sa mga sakit na naranasan n'ya dahil minsan umibig din s'ya.




Hindi ko naman talaga s'ya masisisi... Marahil ang nakaraang iyon ang tuluyang nagwasak sa bawat piraso ng puso n'ya... Marahil hindi na n'ya kaya pang magmahal tulad ng pagmamahal n'ya sa nakalipas.




Ngunit dahil s'ya ang ang nagpatibok muli ng puso ko hahayaan ko s'ya... Tulad ng pagpakawala ko sa mga nakalipas, hahayaan ko s'yang lumipad sa kung saan man n'ya gustuhin...




Pero sa huling pagkakataon gusto ko s'yang makasama...

Pasakalye ng Puso






Ako: 'Wag mo hayaan na lamunin ng lungkot 'yang puso mo kasi hindi na titibok 'yan 'pag nangyari yun. Ginawa ang puso para magmahal kahit walang kapalit.




S'ya: Ganun?




Ako: Oo naman! Tingnan mo 'ko, kahit 'di mo mahal oks lang kasi pinagtatrabaho ko puso ko. Hinahayaan ko 'tong tumibok... para sa 'yo...

Life As I Know It





Shortly after the revelation, it was hell. As if there was an eclipse that changed the hue of the day into a night-like light. The air that surrounded me was so dry that made it hard to breathe... Then suddenly, the rain of tears fell. It moistened my dry face. Every drop of it was a reminder of the mistakes I made.


I was throbbing. The air escaped my lungs and yet I managed to light a cigarette. Then, the smoke soothed my heavy heart... I died... I was born again... But eventually the life will be taken back...

I Stand By The Sand

The stars were twinkling in the dark night.
I can see some clouds passing by as if teasing the moon.
Down there are the home lights that lit the city like the sparkling dress of the show girls I saw in the television.
But the mountain above the city boasts its might saying it's dominant.

Now, I can see myself standing by the sea amid the vast sands.
I can feel the grains of sand underneath my feet.
Then, the cold water touched my toes and brought coldness upon my body.
Will this be the last evening? I ask...

Isang Taon at Kalahati ang Nakalipas

Cliche: "Parang kelan lang."

Labing apat na buwan na ang nakalipas nang huling nagsulat ako sa blog na 'to. Nakakatuwa... Kasi sa kabila ng mahabang panahon na 'yun eh sariwa pa rin sa 'kin ang mga naisulat ko dito.

Andami na rin palang nangyari. Andami ko nang nakilalang tao. Yung iba mas nakilala ko. Meron namang hindi ko na kilala kasi parang may nagbago... Pati nga sarili ko di ko na makilala kung ikukumpara sa dating ako. Sa loob ng labing apat na buwan, maiksi man kung tutuusin, madaming nangyari na nagpabago sa inog ng mundo.

Anu-ano pa kaya ang nagbago? Tingin mo?

Monday, January 17, 2011

Iba Ba Tayo?

Hanggang ngayon di ko pa rin mawari kung bakit kailangang ihiwalay ang mga bagay-bagay kung pwede namang ipagsama-sama. Marahil dahil ito ang nararapat sa kabila ng katotohanang ginagawan ng paraan ng kalikasan na muli itong at ipagsama-sama at guluhin. Siguro dapat nang sundin ang kalikasan para maging madali na ang lahat.

Ito ang naiisip ko habang nakatulala hawak ang may sinding yosi at panay buga ng nakamamatay na usok na nagpapakalma sa ulo ko. Madami akong kaibigang katulad ko (third-sex kung tawagin) na nagsasabi at naniniwalang iba kami (tayo) sa mga straight. Tama naman kasi nga iba ang gusto namin (natin) sa dalawang sekswalidad. Pero kapag tinatanong ko sila kung kailangan ba iba din sa nakagawiang relasyon ang relasyon ng katulad namin (natin), walang kongkretong sagot.

Narinig ko minsan ang isang babaeng nag-comment, "Bakit kasi ang mga bading na yan eh kailangan pang tratuhin na iba? At bakit kailangan nilang i-separate ang sarili nila sa heterosexual society? Eh di ba pantay-pantay naman lahat?" Eto na ata ang pinakamagandang opinyon at tanong na narinig ko sa isang straight na babae. Bakit nga naman di ba? Maraming dahilan o kaya maraming dinadahilan...

Wednesday, January 12, 2011

I'm Still A Man

It was dawn and we're all busy answering customers' questions and processing their requests when suddenly everyone in the team received an instant message in the chatroom. "Meeting! Now na." is what my supervisors message every time he gets a confirmation from the workforce management that it's all right to get off the phones.

As always, there's waiting and "kulitan" with my best "buddy" in the team, which happens to be a lady physically, psychologically and sexually. We threw  friendly insults to each other while walking down the isle to the conference room where we would have a meeting. Then she said "Bakit kaya hindi ka na lang magpakalalake no?" I was astounded and cracked into an enormous fiery funny monster because of such a very stupid question. But then, I answered "Siguro nadedevelop ka na saken kaya mo tinatanong yan no? Eeeeewwww ka!" And loud laughter filled the air and everybody was staring at us...

While in the meeting, we occasionally chat which made my supervisor a little uncomfortable. He stared at us and threw the question which I already forgot. Ready as I was, I answered the question in a manner no one was able to comprehend. As I was talking my brains out I noticed that everyone was so keen in listening. I was not sure why all their eyes was upon me. Were they listening or what, I asked myself. Was I saying something wrong?

Then, one of my team mates blurted out something. Maybe she couldn't contain it anymore and said "Si GB oh parang totoo lang. Ang laki ng boses at lalakeng lalake pa!" I stopped in the middle of explaining and everyone was stunned for about three seconds. And then laughter consumed every soul in the room.

Never realizing what my tone of voice that time, I was shocked by myself. I laughed my heart out because for the first I was quoted of the manly and deep voice I carry. My super visor even said that I was different at that time and it was believable that I acted so, very, as in manly.

After my red faced (literally) moment I tuned to my best buddy and remembered our conversation before entering that room. She smiled and said "Oh ano? My point naman tanong ko di ba?"